Malacañang nag-sorry sa mabigat na trapik dahil sa ASEAN Summit

By Chona Yu November 16, 2017 - 03:27 PM

Inquirer photo

Humingi ang Malacañang ng paumanhin sa publiko matapos magdusa dahil sa matinding trapik sa EDSA at iba pang bahagi ng Metro Manila bunsod ng katatapos na ASEAN Summit.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na paghanga naman ng buong daigdig ang naging kapalit sa kakayahan ng Pilipinas na mamuno ng isang international event.

Dagdag pa ni Roque, naging mabunga ang pagpupulong kung saan higit na makikinabang ang Pilipinas sa aspeto ng ekonomiya, kalakalan at paglikha ng trabaho para sa mga Pinoy.

Pinabulaanan din ni Roque ang akusasyon ng oposisyon na nauwi lamang sa pageantry ang pagtitipon.

Sinabi ng opisyal na nagkaroon ng kasunduan ang mga lider na kasapi ng ASEAN na bumalangkas ng code of conduct kaugnay sa South China Sea dispute at naglatag ng mekanismo kung paano lalabanan ang terorismo at violent extremism.

TAGS: Asean summit, Harry Roque, Malacañang, traffic, Asean summit, Harry Roque, Malacañang, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.