Batay sa bagong social weather stations o SWS survey na isinagawa noong September 2 hanggang 5, lumabas na nasa 64 percent ang kuntento sa trabaho ng Pangulo.
Nasa 22 percent naman ang hindi kuntento habang 14 percent ang undecided na nagresulta sa good o plus 41 net satisfaction.
Noong nakaraang quarter ay plus 30 ang net satisfaction ni PNoy kung saan 57 percent ang satisfied, 15 percent and undecided at 27 percent ang dissatisfied.
Noong March 2014 ay nakapagtala ng mataas na plus 45 na rating ang Pangulo pero bumaba ang rating ni PNoy lalo na ng pumutok ang kontrobersya sa Mamasapano operation noong Enero.