Dagsa ng mga uuwi sa Maynila mula probinsya, inaasahan ngayong weekend – NLEX

Radyo Inquirer File Photo

Inaasahang magsisimulang bumiyahe pabalik ng Metro Manila ang mga nagbakasyon sa probinsya matapos ang tatlong araw na non-working holiday ngayong darating na weekend.

Ayon sa North Luzon Expressway, sa ngayon ay nananatiling maluwag ang daloy ng trapiko sa NLEX maliban na lang sa bahagi ng Balintawak toll plaza palabas ng EDSA na entry point sa Metro Manila.

Kaya’t abiso ng NLEX, dumaan sa mga alternatibong ruta dahil unti-unti nang bumabagal ang galaw ng trapiko sa southbound ng Balintawak.

Sinabi ni NLEX supervisor Ariel Salita na nagkaroon ng bahagyang pagdagsa ng mga motorista na pabalik sa Maynila noong gabi ng Miyerkules, pero kalaunan ay lumuwag din ng trapiko.

Pero sa ang ibang bahagi ng NLEX ay nananatili naman na mabilis ang daloy ng trapiko.

Nagsimula noong Biyernes ang “extra-long weekend” dahil sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings na ginanap sa bansa simula November 10 hanggang 14.

 

 

 

 

 

 

Read more...