Ekonomiya ng bansa lumago sa ikatlong quarter ng taon

Inquirer Photo | Ben De Vera

Lumago sa 6.9 percent ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng taong 2017.

Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) ang nasabing datos ay mas mataas sa naitalang 6.7 percent na paglago sa ekonomiya ng bansa noong 2nd quarter ng taon.

Gayunman, bahagya itong mas mababa kung ikukumpura sa parehong quarter noong taong 2016 kung saan nakapagtala ng growth rate na 7.1 percent.

Ayon kay National Statistician, Dr. Lisa Grace Bersales, ang sektor ng industriya ang nakapagtala ng pinakamataas na paglago na 7.5 percent, na sinundan ng services sector na 7.1 percent.

Samantala, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, nananatili ang Pilipinas bilang isa sa mayroong “best-performing economies” sa buong Asya.

Pumapangalawa aniya ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya kasunod ng Vietnam na nakapagtala ng 7.5 percent na growth rate sa 3rd quarter.

Habang nasa ikatlong pwesto naman ang China na mayroong 6.8 percent at sumunod ang Indonesia na may 5.1 percent.

Nananatili namang on-track ang pamahalaan sa target nitong 6.5 hanggang 7.5 percent na growth rate para sa kasalukuyang taon.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...