Biyahe ng MRT, nagka-aberya; provisional service, ipinatupad
Nagpatupad ng provisional service sa biyahe ng Metro Rail Transit, Huwebes (Nov. 16) ng umaga.
Pasado alas 9:00 ng umaga nang ipatupad ang limitadong operasyon ng MRT at mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard Stations lamang ang biyahe at pabalik.
Wala munang naging biyahe mula Shaw Boulevard hanggang Taft stations at pabalik.
Sa post naman ng isang netizen, nakuhanan ng larawan ang mga pasahero ng MRT na naglalakad sa riles patungo sa Ayala Avenue station.
Pasado alas 9:30 ng umaga nang sabihin ni Department of Transportation (DOTr) Usec. Cesar Chavez na naibalik na sa normal ang operasyon ng MRT.
Ayon sa DOTr, train failure ang dahilan ng aberya.
Kahit saglit lang ang naging aberya, naipon ang mga pasahero sa Taft Avenue station at sa iba pang istasyon na naapektuhan ng ipinatupad na provisional service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.