2 bata, 4 na iba pa, dinukot ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu

By Cyrille Cupino November 16, 2017 - 08:44 AM

(UPDATE) Dinukot ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang anim na sibilyan sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Ayon kay Brig. Gen. Cirlito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, labinglimang armadong lalaki na hinihinalang miyembro ng ASG ang dumukot sa mga biktima.

Sa inisyal na ulat, tinutukan umano ng baril ng mga bandido ang lahat ng kanilang makasalubong.

Bago tumakas, dinampot ng mga armado ang anim na sibilyan, kabilang ang isang 7-anyos na bata.

Kinilala ang mga biktima na sina:

  • Jessy Trinidad, 55 taong gulang
  • Nene Trinidad 56 taong gulang
  • Lucy Hapole 21 taong gulang
  • Aalloh Trinidad, 22 taong gulang
  • isang 12 taong gulang at 7 taong gulang na bata

Samantala, nagpadala na ng karagdagang pwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lugar para magsagawa ng hot pursuit operation.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: abu sayyaf group, AFP, Patikul Sulu, Radyo Inquirer, abu sayyaf group, AFP, Patikul Sulu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.