Magkakasunod na pagyanig, naitala ng Phivolcs sa Cagayan at Eastern Samar

Nagkapagtala ng magkakasunod at may kalakasang pagyanig ang naitala ng Phivolcs mula madaling araw ng Huwebes, Nov. 16.

Ala 1:19 ng madaling araw, tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Gonzaga sa lalawigan ng Cagayan. 

Naitala ang pagyanig sa 49 kilometers ng Gonzaga na mayroon lang lalim na 7 kilometers.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang San Julian, Eastern Samar.

Naganap ang lindol alas 2:10 ng madaling araw na ang lalim ay 1 kilometer lamang.

Makalipas lang ang ilang minuto, naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 3.4 na lindol sa bayan ng Dolores.

Naganap ang pagyanig alas 2:47 ng madaling araw at 2-kilometers lang ang lalim.

Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic ang origin ng lindol at hindi inaasahang magdudulot ng pinsala.

 

 

 

 

 

 

Read more...