LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo sa susunod na 24-oras

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2017 - 06:16 AM

Posibleng maging isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 355 kilometers Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon sa PAGASA, lalapit ang LPA sa Mindanao, dadaan sa Sulu Sea at magtutungo ng Palawan.

Papangalanang “Tino” ang LPA sa sandaling ito ay maging ganap na bagyo habang nasa loob ng PAR.

Sa ngayon apektado na ng LPA ang mga rehiyon ng CARAGA, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Davao Region, ARMM, SOCCSKSARGEN sa Mindanao at ang Central at Eastern Visayas.

Northeast Monsoon naman ang umiiral sa Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroon isolated na pag-ulan dahil sa thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

TAGS: low pressure area, Pagasa, Radyo Inquirer, Weather in Philippines, low pressure area, Pagasa, Radyo Inquirer, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.