Media, pinasalamatan ni Pangulong Duterte sa ASEAN Coverage

By Rhommel Balasbas November 16, 2017 - 04:00 AM

 

Presidential Photo

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging kahalagahan ng papel ng mga mamamahayag sa katatapos lamang na pagdaraos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa.

Nagpasalamat ang Pangulo sa naging coverage ng local at international media sa kabuuan ng Chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN ngayong taon.

“I wish to express my appreciation to the members of the media for your coverage throughout the year of the Philippines’ Chairmanship of ASEAN,” mensahe ni Pangulong Duterte sa mainstream media.

Anya, naging kaagapay ng pamahalaan ang media na maiparating nang maayos sa publiko ang mensahe at kahalagahan ng ASEAN.

“You have been invaluable partners in raising ASEAN awareness to our peoples, particularly our hard work toward improving the lives of our people and in strengthening our ASEAN Community. I thank you for getting that message across to the public,” ani Duterte.

Ayon din sa Pangulo, ang media rin ang magiging daan upang maging malawak ang kaalaman ng mga mamamayan sa magiging magandang bunga ng ugnayan ng ASEAN member states at ng mga dialogue partners nito.

Naniniwala rin si Duterte na nagampanan ng Pilipinas ang tungkulin nito bilang Chairman ng ASEAN ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.