Alok na tulong ng EU, muling tinanggihan ni Duterte

By Kabie Aenlle November 16, 2017 - 03:49 AM

 

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan ng Pilipinas ang mga donasyon at ayudang iniaalok ng European Union (EU).

Nang tanungin si Duterte tungkol sa posibleng donasyon ng EU sa bansa, iginiit ng pangulo na kayang mabuhay ng mga Pilipino kahit tuyo at kanin lang ang makakain.

“Forget it. We will survive, even if we have to eat dried fish and rice, we will survive,” ani Duterte.

Pagbabahagi pa ng presidente, nag-aalok ang EU ng tulong pero hindi na niya maalala kung ano o magkano.

Tinanong naman aniya siya ni Finance Sec. Carlos Dominguez III kung handa ba siyang tanggapin ito pero iginiit niyang ibigay na lang ito ng EU sa mga taong sa tingin nila’y magsasabi ng totoo sa kanila.

“The EU is offering us, I don’t know what, how much this time. So the secretary of finance asked me if I’m willing to accept them. Give it to the persons you believe who will tell you the truth,” ayon sa pangulo.

Nanawagan naman si Duterte sa ibang mga bansa na huwag pakialaman ang soberenya ng Pilipinas dahil ikinukonsidera niya ito bilang isang matinding insulto.

Matatandaang ilang beses nang iginiit ng presidente na hindi siya tatanggap ng tulong kung ito ay may kapalit na kundisyon, tulad ng pangingialam sa mga isyu ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.