Debate para sa 2018 nat’l budget, raratsadahin na ng Senado

By Kabie Aenlle November 16, 2017 - 03:36 AM

 

Ilang araw hindi nakapagsagawa ng sesyon ang Senado dahil sa pagdaraos ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit dito sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Senate President Koko Pimentel na magsasagawa sila ng sesyon mamaya at bukas para matapos na ang mga interpellations para sa panukalang P3.7 trilyong national budget.

Ayon kay Pimentel, dapat matapos na hanggang bukas ang mga debate, para sa susunod na linggo ay maari na itong maaprubahan.

Pagkatapos naman ng debate para sa national budget, isusunod nila agad ang deliberasyon sa Tax Reform for Acceleration Inclusion (TRAIN).

Gayunman, ilang senador tulad nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. Sonny Angara ang naniniwalang hindi aabot bago matapos ang taon ang pag-pasa sa TRAIN, kundi baka umabot pa ng Enero ng susunod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.