2 patay, 10 sugatan sa lindol sa 8.3 Magnitude na lindol sa Chile

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2015 - 11:19 AM

chile tsunamiNagpatupad na ng evacuation sa mga coastal towns at cities sa Chile matapos ang magnitude 8.3 na lindol na tumama doon.

Sa inisyal na datos mula sa gobyerno ng Chile, mayroong dalawang nasawi at 10 ang nasugatan dahil sa malakas na lindol.

Naitala ang pagyanig sa 228 kilometers ng north of Santiago, na mayroong 6.6 million na populasyon.

Naramdaman ang pagyanig hanggang sa Buenos Aires, Argentina na 1,400 kilometers ang layo mula sa epicenter ng lindol.

Ayon sa Hawaii-based Pacific Tsunami Warning Center, posibleng magkaroon ng “hazardous” tsunami waves sa coastal areas ng Chile na maaring umabot sa three meters ang taas.

Sa coastal city ng Chile na Coquimbo, nakapagtala na ng 4.5 meters na taas ng alon.

Maari ding umabot ang tsunami waves sa French Polynesia, habang mas mababang alon ang maaring tumama sa Alaska, Japan at New Zealand.

TAGS: chilequake, chilequake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.