3 sugatan sa salpukan ng motor at kotse sa EDSA, QC

Kuha ni Justinne Punsalang

Sugatan ang tatlong sakay ng isang motorsiklo makaraang makasagian nito ang isang kotse sa EDSA-northbound, kanto ng Nueva Ecija St, Brgy. Ramon Magsasay, sa Quezon City kagabi.

Ayon sa ilang saksi, papaliko sana ang isang Honda Civic na may plakang UCW-603 nang bigla na lamang may dumaan sa gilid nito na motorsiklo lulan ang mga biktima.

Sa bilis umano ng pagpapatakbo ng motorsiklo ay bumangga ito sa sasakyan kaya’t tumilapon ang tatlong sakay nito.

Bagaman may suot na mga helmet ay kritikal ang kundisyon ng isang babaeng sakay ng naturang motorsiklo, habang naapektuhan naman ang balakang ng isa pa nitong kasamang babae.

Nirespondehan naman ng mga emergency rescue teams ang mga biktima na agad na dinala sa ospital matapos ang pangyayari.

Read more...