Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander, Brig. Gen. Cirilito Sobejana, nasa 15 miyembro ng Abu Sayyaf ang sumalakay sa naturang barangay.
Kinilala ang mga dinukot na biktima na sina Jessy Trinidad, 55 anyos; Nene Trinidad, 56 anyos; Aloh Trinidad, 22 taong gulang; at Lucy Hapole, 21 taong gulang.
Dinukot rin ng mga bandido ang isang 13 taong gulang at pitong taong gulang na mga bata.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng hot pursuit operations ang lokal na pulisya ay militar sa lugar para agad na mabawi ang mga dinukot na sibilyan.
Hinimok naman ni Sobejana ang mga Suluanos na maging pro-active sa pagsawata sa mga katulad na pag-atake.
Dahil sa naturang pandurukot, nasa 22 na ang hawak na bihag ng bandidong Abu Sayyaf, kabilang ang 7 banyaga.