Lea Salonga, Balik-Broadway

By Justinne Punsalang November 15, 2017 - 11:13 PM

 

Balik-Broadway ang Pinay Tony winner na si Lea Salonga.

Simula noong November 9 ay muling tumapak sa Broadway stage ng Circle in the Square Theatre sa New York City si Lea Salonga para sa preview ng revival ng ‘Once on this Island.’

Gagampanan Lea ang role ni Erzulie na goddes of love.

Isa sa kakantahin ni Lea ang itinuturing na ‘most powerful song’ sa naturang musical na ‘The human heart.’

Ang ‘Once on this Island’ ay tungkol sa isang Caribbean country girl na si Ti Moune na nahulog ang loob sa isang mayamang lalaki.

Sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang iniibig ay doon niya makikilala ang apat na mga gods at goddesses na tutulong sa kanyang makamit ang kanyang pag-ibig.

Kasama ni Lea ang iba pang mga sikat na Broadway actors at actresses na sina Merle Dandridge, Quentin Earl Darrington, Alex Newell at mga papausbong na theater actors na sina Hailey Kilgore at Isaac Powell.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.