Sy at Zobel pasok sa Forbes’ 50 richest clans in Asia

By Den Macaranas November 15, 2017 - 06:01 PM

Pasok sa talaan ng Forbes’ 50 richest clans in Asia ang pamilya ng dalawang pinaka-mayamang Pinoy.

Kabilang dito ang pamilya ni Henry Sy na pang-siyam sa listahan sa kabuuang assets na umaabot sa #20.1 Billion.

Sila ang nasa likod ng SM Group of Companies na kinabibilangan ng mga negosyong nasa realty, retail, banking at energy.

Nasa listahan rin ng Forbes na kabilang sa mga pinaka-mayamang pamilya sa Asya ang mga Zobel na nasa likod ng Ayala Coporation.

Mayroon silang combined assets na $6.1 Billion para sa 43rd spot.

Para mapabilang sa Forbes richest families list, ang isang pamilya ay kailangang may minimum net worth na $5 Billion.

Dito sa Asya ay naungusan ng Ambani family mula sa India ang Lee clan ng Samsung Group of Companies.

Ang Ambani clan mula sa India ay may netwoth na umaabot sa $44.8 Billion at sila ang pinaka-mayamang pamilya sa Asya.

Narito ang top 10 sa listahan ng mga mayayamang pamilya sa Asya ayon sa Forbes.

  • Ambani ng India—US$44.8 billion
  • Lee ng South Korea—$40.8 billion
  • Kwok ng Hong Kong—$40.4 billion
  • Chearavanont ng Thailand—$36.6 billion
  • Hartono ng Indonesia—$32 billion
  • Lee ng Hong Kong—$29 billion
  • Kwek/Quek ng Singapore, Malaysia—$23.3 billion
  • Cheng ng Hong Kong—$22.5 billion
  • Sy ng Pilipinas—$20.1 billion
  • Chirathivat ng Thailand—$19.3 billion

TAGS: asia's richest family, ayala, Forbes, sy, Zobel, asia's richest family, ayala, Forbes, sy, Zobel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.