Basurang galing sa Canada ipinauubaya ng Malacañang kay Trudeau
Kagaya sa South China Sea dispute, sasandal si Pangulong Rodrigo Duterte sa principle of good faith ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau na babawiin nito ang tone-toneladang basura ng Canada na itinapon sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa ang pangulo na tutuparin ni Trudeau ang pangako nito.
Dagdag pa ni Roque, naniniwala ang pangulo na man of honor si Trudeau.
Matatandaang noong 2015, nangako na rin si Trudeau na babawiin niya ang mga basura ng Canada subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagagawa.
Inihalimbawa ni Roque ang kaso sa China kung saan umaasa rin ang pangulo sa principle of good faith na tutuparin ang pangako na hindi magsasagawa ng militarisasyon sa South China Sea.
Sa kanyang pagdalo sa katatapos na ASEAN Summit, sinabi ni Trudeau na pinaplantsa na ng Canada ang ilang paraan hingil sa nasabing isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.