Nag-alay ng bulaklak si Chinese Prime Minister na si Li Keqiang sa bantayog ni Gat. Jose Rizal sa Luneta sa Maynila.
Alas-tres ng hapon umpisahan ang wreath laying ceremony kasama si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at mga miyembro ng embahada ng China sa Pilipinas.
Kaugnay nito, isinara ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula T.M Kalaw hanggang sa P. Burgos para magbigay daan sa nasabing seremonya.
Nagbigay naman ng seguridad sa area ang pinagsamang puwersa ng Presidential Security Group at Manila Police District.
May ilang ding miyembro ng Chinese community sa bansa na nagpakita naman ng suporta sa Chinese Premiere.
Ang opisyal ang kumatawan sa Chinese government sa katatapos lamang na 20th ASEAN plus 3 Commemorative Summit na ginanap sa Pilipinas.
Mula sa Luneta ay dumiretso ang Chinese official sa Malacañang para sa extended bilateral meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.