LOOK: Sec. Bong Go, tampok sa bagong photo filter ng Facebook

Dahil kilala na mahilig mag-selfie, si Special Assistant to the President Sec. Bong Go ang tampok sa bagong photo filter ng Facebook.

Gamit ang photo filter, ang mga Facebook user ay maaring i-edit ang kanilang profile picture at maisasama sa kanilang lawaran si Sec. Bong Go na ang itsura ay parang nakipag-selfie o groufie sa kanila ang kanang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Agad namang sinubukan ng mga Facebook user ang bagong photo filter at nilalagyan pa nila ng mga nakakaaliw na caption.

Dahil sa kaniyang mga selfie photos sa world leaders nitong nagdaang ASEAN Summit, na-feature pa si Sec. Bong Go sa Washington Post.

Sa artikulo, tinagurian si Go bilang “selfie king”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...