Mahigit kalahati ng mga Pilipino ay kuntento sa hakbang ng gobyerno laban sa ISIS-inspired na Maute error group na naghasik ng giyera sa Marawi City sa loob ng limang buwan.
Ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 23 hanggang 27, 66 percent ng mga Pinoy ang kuntento sa aksyon ng pamahalaan kontra sa naturang mga terorista habang 18 percent ang hindi kuntento at 16 percent ang undecided.
Ito ay nagresulta sa net satisfaction rating na good plus 48, dalawang puntos na mababa mula sa very good plus 50 noong buwan ng Hunyo.
Ang tanong sa mga respondents: “Gaano po kayo nasiyahan o hindi nasiyahan sa ikinikilos ng ating gobyerno ukol sa kanilang ginagawa upang masugpo ang grupong Maute na lumusob sa Marawi City?”
Sa Metro Manila, nanatiling very good ang net satisfaction ng gobyerno sa pag-neutralize ng maute group pero bumaba ito ng 14 points mula sa plus 68 noong Hunyo.
Apat na puntos naman ang ibinaba ng net satisfaction sa Mindanao pero very good pa rin ito ang classification nito sa plus 54.
Good pa rin ang net satisfaction sa Visayas sa plus 49 kahit tatlong puntos na mababa sa plus 46 sa nakaraang survey.
Habang sa balance Luzon ay hindi gaanong gumalaw, mula plus 41 noong June ay naging plus 42 noong Setyembre.