Zimbabwe military, itinangging kinukudeta nila si President Robert Mugabe
Itinanggi ng Zimbabwe military na ang pag-atake na naganap sa capital ng Zimbabwe ng Harare ay hindi layong i-kudeta ang presidente ng bansa na si Robert Mugabe.
Sa statement na inilabas ng militar, may operasyon umano sila at ang target ay mga kriminal.
Nagkaroon ng tensyon sa Harare makaraang makarinig ng sunud-sunod at malalakas na putok ng baril Miyerkules ng umaga.
May mga tangke rin ng militar ang pumosisyon sa mga lansangan na nagdulot ng takot sa mga residente.
Sa ngayon, maayos umano ang sitwasyon ng gobyerno ng Zimbabwe at nasa ligtas ding kalagayan ang presidente nila na ang edad ay 93.
Noong nakaraang linggo, sinibak ni President Mugabe sa pwesto si Zimbabwe Vice President Emmerson Mnangagwa dahil sa isyu ng succession.
Dati kasing si Mnangagwa ang malinaw na sunod na papalit sa pwesto kay Mugabe pero sa ngayon, si First Lady Grace Mugabe na ang naging front-runner.
Dahil sa sigalot sa pagitan nina Mrs. Mugabe at Mnangagwa nagkaroon din ng pagkakahati sa Zanu-PF party.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.