23 sugatan sa train accident sa Singapore

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2017 - 11:34 AM

Photo from publichouse.sg

Sugatan ang 23 katao makaraang bumangga ang tren ng Mass Rapid Transit (MRT) sa isang nakahintong tren sa Singapore.

Naganap ang aksidente sa Joo Koon MRT station alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules.

Sa post ng ilang pasahero sa kanilang social media accounts, makikitang tumumba ang mga pasahero dahil sa lakas ng impact ng pagbangga.

Dinala sa Singapore General Hospital at Ng Teng Fong Hospital ang mga nasugatang pasahero.

Ayon naman sa Singapore Civil Defense Force, pawang minor injuries lamang ang natamo ng karamihan sa mga nasugatan.

Dahil sa nasabing aksidente, naantala ang biyahe ng tren partikular ang East-West Line.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Mass Rapid Transit, Radyo Inquirer, singapore, SMRT, Train Accident, Mass Rapid Transit, Radyo Inquirer, singapore, SMRT, Train Accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.