Ayon sa Phivolcs sa nakalipas na 24 na oras, nakapagtala sila ng 279 na malalalim na volcanic earthquakes.
Simula noong August 18, 2017, nadaragdagan ang bilang ng naitatalang volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon bawat oraraw.
Sinabi ng Phivolcs na bagaman wala pang ibinubuga ang bulkan, ang napapadalas na pag-aalburuto nito ay maari nang mauwi sa pagbubuga ng abo o phreatic eruptions.
Dahil sa itinaas na alert level 2, inabisuhan ng Phivolcs ang lokal na pamahalaan at ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.
Nakipag-ugnayan na rin ang Phivolcs sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para ipagbawal ang pagdaan ng mga eroplano sa ibabaw ng bulkan.