Alert level 2, itinaas ng Phivolcs sa Bulkang Kanlaon

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2017 - 10:41 AM

Mula sa alert level 1 o low level of unrest, itinaas ng Phivolcs sa alert level 2 o moderate level of unrest ang status ng Mt. Kanlaon sa Negros.

Ayon sa Phivolcs sa nakalipas na 24 na oras, nakapagtala sila ng 279 na malalalim na volcanic earthquakes.

Simula noong August 18, 2017, nadaragdagan ang bilang ng naitatalang volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon bawat oraraw.

Sinabi ng Phivolcs na bagaman wala pang ibinubuga ang bulkan, ang napapadalas na pag-aalburuto nito ay maari nang mauwi sa pagbubuga ng abo o phreatic eruptions.

Dahil sa itinaas na alert level 2, inabisuhan ng Phivolcs ang lokal na pamahalaan at ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Nakipag-ugnayan na rin ang Phivolcs sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para ipagbawal ang pagdaan ng mga eroplano sa ibabaw ng bulkan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Alert Level 2, Mt Kanlaon, Negros Island, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Alert Level 2, Mt Kanlaon, Negros Island, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.