WATCH: Lalaki, binaril habang natutulog sa Barangay Batasan Hills, Quezon City

Kuha ni Justinne Punsalang

Isang tama ng bala sa batok ang tumapos sa buhay ng isang taxi driver matapos itong barilin mismo sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Batasan Hills sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktimang si Edrian Galang, tatlumpu’t siyam na taong gulang at isang taxi driver.

Kwento ng kinakasama ni Galang na si Zaineth Nismal, natutulog na ang biktima at kanilang tatlong mga anak nang may lalaking may suot na helmet na pumasok sa kanilang bahay at ginising si Galang.

Matapos nito ay bumunot na ng baril ang suspek at binaril si Galang sa batok.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...