P800,000 halaga ng cash, alahas at gadgets, natangay sa isang pawnshop sa Quezon City
Humigit-kumulang ₱800,000 ang kabuuang halaga ng cash, alahas, at gadget na tinangay ng tatlong kawatan matapos holdapin ang isang sanglaan sa kahabaan ng Quirino Highway sa bahagi ng Barangay Gulod sa Quezon City.
Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 na si Superintendent April Mark Young, sarado na ang naturang pawnshop at dapat sana ay maghahapunan ang mga empleyado nang biglang pumasok ang mga suspek at nagdeklara ng holdup.
Ikinulong umano sa isang kwarto ang mga empleyado bago nilimas ang laman ng pawnshop.
Maging ang server ng computer na pinagkakabitan mg CCTV sa loob ng pawnshop ay tinangay mg mga suspek.
Dahil walang kuha ng CCTV, blangko ang kapulisan sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
Samantala, hindi naman nagawang buksan ng mga suspek ang vault ng sanglaan na naglalaman ng pera at iba pang gamit ng naturang establisyimento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.