Panibagong LPA, papasok sa bansa ngayong araw

Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang LPA ay huling namataan sa 1,100 kilometers East ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, papasok sa bansa ngayong araw.

Apektado na ng extension ng LPA ang silangang bahagi ng Mindanao.

Habang northeast monsoon naman ang naka-aapekto sa extreme Northern Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang Davao region at Soccsksargen ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw dahil sa extension ng LPA.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa Visayas, Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...