Norway, kakasuhan ng environmental groups dahil sa pag-iisyu ng oil exploration licenses
Maghahain ng reklamo ang ilang Environmental groups laban sa bansang Norway dahil sa pag-iisyu nito ng oil exploration licenses.
Ito ay sa kabila ng paglagda nito sa kontrobersyal na Paris agreement on Climate Change.
Nag-isyu ang naturang bansa ng 10 lisensya para magsagawa ng oil explorations sa Barents Sea sa itaas ng Arctic Circle.
Kasama ng Greenpeace ang Nature and Youth group sa paghahain ng mga kaso laban kaugnay ng oil exploration licences.
Ang naturang mga lisensya anila ay ang kauna-unahang na-isyu sa loob ng dalawampung taon.
Ayon sa mga grupo ay nalabag nito ang Paris Agreement maging ang konstitusyon ng sariling bansa na tinitiyak ang karapatan ng mga mamamayan sa isang malusog na kapaligiran.
Ayon kay Greenpeace Norway Director Truls Gulowsen, hindi ligtas na gamitin ng mundo ang lahat ng nadiskubreng oil at gas kaya’t mali na humanap pa ng bago o iba pa.
Igigiit naman ng Attorney General ng Norway na ang mga lisensyang ipinagkaloob sa Chevron, Lukoil, ConocoPhilip, Statoil at iba pa ay walang kaugnayan sa konstitusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.