Ito ang naging pagsasalarawan ni Interior and Local Government officer-in-charge Catalino Cuy sa ikalawang araw ng pagdaraos ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Pilipinas.
Kung ikukumpara aniya sa mga nangyari sa unang araw, mas maitituring aniya na “smooth” ang naging operasyon ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtitiyak ng seguridad para sa pagpupulong.
Ayon kay Cuy, wala namang mga events na naantala kahapon, dahil na rin sa pakikipagtulungan ng publiko at pagiging mapagmatyag ng mga pwersa ng gobyerno.
Positibo naman si Cuy na magpapatuloy hanggang ngayong araw ang ganitong maayos na pagdaraos ng mga nalalabing aktibidad ng mga delegado.
Pinaalalahanan naman niya ang publiko, pati na ang mga pwersa ng gobyerno na huwag pa ring magpaka-kampante hanggang sa hindi pa tuluyang nakakaalis lahat ng mga delegado ng ASEAN summit.
Kadalasan kasi aniyang naglalabasan sa huling araw ang mga pagsubok sa mga inilatag na plano.
Karamihan sa mga world leaders ay nakaalis na ng Pilipinas kahapon ngunit ang iba ay hindi pa dahil na rin sa iba pang mga aktibidad na nakatakda nilang gawin.