MMDA enforcers, iimbestigahan kung may kakulangan sa pagsuway ni Maria Isabel Lopez sa ASEAN lane

By Rhommel Balasbas November 15, 2017 - 03:54 AM

Iimbestigahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kung nagkaroon ng pagkukulang ang kanilang mga traffic enforcers sa insidenteng kinasasangkutan ng aktres na si Maria Isabel Lopez.

Matatandaang nagawang makadaan ni Lopez sa isang lane na inilaan para sa mga delegado lamang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit at nag-viral pa matapos ipagmalaki ang ginawa sa social media.

Aalamin ng tanggapan kung saang aspeto nagpabaya ang mga kawani at aalamin kung sino ang mga ito.

Nauna nang sinabi ni Lopez na matapos niyang subuking pumasok sa ASEAN lane ay may mga malalaking sasakyan ding sumunod sa kanya.

Anya, ang pagpasok ng mga sasakyan na ito ang humikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pagdaan sa ASEAN lane sa kabila ng pagtutol ng isang traffic enforcer.

Sakaling mapatunayang may pagpapabaya ay maaaring sampahan ng mga kasong administratibo at masuspinde ang mga enforcers ayon kay MMDA-Task Force Asean, Operations Head Emmanuel Mira.

Nahaharap na sa mga kasong paglabag sa Traffic Signs, Violation of the Anti-Distracted Driving Act at Reckless Driving charges si Lopez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.