China, susunod sa gagawing COC para sa South China Sea – Duterte

Sumang-ayon ang China sa pagbuo ng Code of Conduct (COC) para sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pulong balitaan sa pagsasara ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi rin ng Pangulo na nangako ang China na susunod sa mga probisyon ng gagawing COC.

Matatandaang noong Lunes ay inihirit ng Pangulo kay Chinese President Xi Jin Ping na kailangan ang code of conduct sa South China Sea.

Ito ay bilang tugon na rin sa pagkabahala ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa militarisasyon sa rehiyon.

Inaasahang lalagda na si Chinese Premier Li Keqiang sa lalong madaling panahon sa isang kasunduan na pormal nang magsisimula sa mga negosasyon para sa Code of Conduct sa South China Sea.

Read more...