Code of conduct sa South China Sea, inaasahang magbibigay kapayapaan sa rehiyon
Mismong si Chinese Premier Li Kequiang ay umaasa na magsisilbing “stabilizer” sa rehiyon ang pagsisimula ng pagbuo ng China at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng code of conduct sa South China Sea.
Ani Li, mayroong kasunduan sa pagitan ng mga ASEAN leaders na subukang resolbahan ang isyu sa mapayapang paraan.
Dahil dito, umaasa aniya ang China na magkaroon ng “peace and stability” sa South China Sea, at na magdudulot ito ng “mutual understanding and trust” sa pagitan ng China at ASEAN.
Nangako rin ang Chinese official na titiyakin nila ang freedom of navigation and overflight sa naturang rehiyon na may mga teritoryong pinag-aagawan ng ilang bansa, kabilang na ang Pilipinas at China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.