Paghupa ng tensyon Korean peninsula, tinalakay sa East Asia Summit
Nagkaisa ang mga bansang kasapi ng East Asia na seryosong banta ang idinudulot ng nuclear at missile test ng North Korea sa international community.
Sa press conference ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Diamond Hotel, sinabi nito na natalakay sa katatapos lamang na East Asia Summit kung paano pahihupain ang tensyon sa Korean Penisula.
Ani Abe, kailangang bigyan ng ‘maximum pressure’ ang North Korea para malalagay sila sa sitwasyon na sila na mismo ang tatawag ng dialogue.
Dapat daw na tumalima ang North Korea sa United Nations Security resolutions.
Nabatid na ang China na isa may pinakamalakas na impluwensya sa ASEAN members ay nag-advocate ng direct dialogue sa North Korea habang ang Japan naman ay gusto ng ‘pressure’ kagaya ng polisiya na gusto ng Amerika.
Samantala, iginiit naman ni Abe ang suporta nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang maigting na relasyon ng Japan at Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.