Dela Rosa, “satisfied” sa pagbabantay ng mga pulis sa ASEAN summit

“Very much satisfied”

Ito ang naging pahayag ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa naging work performance ng mga nakakalat na pulis sa Maynila.

Ito’y kaugnay ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad para sa idinaos na 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa bansa.

Gayunman, sa pag-iikot ni Bato sa Maynila, pinaalalahanan nito na kailangang protektahan ng mga pulis ang kanilang sarili sa gitna ng serbisyo.

Nagpasalamat din ang PNP chief sa ipinamalas na pagkakaisa at pagtitiyaga ng mga pulis para matiyak ang kaligtasan hindi lang ng mga dumalong delegado sa bansa kundi maging ang publiko sa gitna ng ASEAN Summit.

Sa ngayon, hindi pa aniya siya makakapagbigay ng pinal na grado sa ipinapatupad na overall security ng PNP hangga’t hindi pa tuluyang natatapos ang pagdaraos ng ASEAN Summit.

Read more...