ASEAN Music Fest, hindi na itinuloy

By Angellic Jordan, Kabie Aenlle November 15, 2017 - 01:08 AM

Kinansela ng ASEAN 2017 National Organizing Council ang inihandang libreng ASEAN Music Festival, Martes ng gabi.

Ito ay parte ng idinaos na 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.

Sa pagsisimula ng bandang Parokya ni Edgar, nagkatulakan at nagkagitgitan ang mga concert goers dahilan para mahirapang humina ang ilan sa mga ito.

Kapansin-pansin din na nasira ang mga barikada sa entrada ng concert venue bunsod ng pag pupumilit ng mga tao na makapasok.

Sa gitna ng pagtatanghal ng Parokya ni Edgar, pinakiusapan ang mga tao na huminahon at huwag itulak ang mga inilatag na barikada sa buong bisinidad ng concert venue bago ipagpatuloy ang programa.

Ngunit bandang alas-9:00, napagdesisyunan na ng mga organizer na ikansela ang para sa kaligtasan ng mga dumalo.

Nagbigay naman ng paunang-lunas ang Department of Health sa mga hinimatay at nahirapang huminga sa naturang event.

Kwento pa ng ilang netizens sa kanilang mga social media accounts, bago pa lang magsimula ang mismong event ay medyo nagkakagulo na ang mga tao dahil hindi organisado ang pila.

Hindi umano naging sapat ang pwersa ng mga organizers para kontrolin ang pagdagsa ng mga tao na karamihan ay hindi rin sumunod nang maayos sa pagpila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.