Paggamit ng sonic device ng PNP sa ASEAN rally iimbestigahan sa Kamara

By Den Macaranas November 14, 2017 - 05:39 PM

Photo: Gabriela

Paiimbestigahan ng Gabriela Women’s Partylist ang paggamit ng Philippine National Police ng sonic device laban sa mga nagprotesta laban sa ASEAN Summit.

Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na ang paggamit ng Long Range Acoustic Device (LRAD) ay naglalayong saktan ang mga ralyista.

Pwede umanong magdulot ng pangmatagalang epekto sa kalusugan ang isang taong na-expose ng kahit na sandali lamang sa sonic sound na nililikha ng 140-decibel na LRAD.

Bukod sa pagkasira ng pandinig dulot ng malakas at matining na tunog ay pwede rin umano itong magdulot ng pananakit ng ulo at vertigo.

Nauna nang sinabi ng PNP na matagal na nilang ginagamit ang LRAD at ito ay ginagamit rin sa crowd dispersal maging sa ibang bansa.

Naniniwala naman ang mga militanteng grupo na ang LRAD na ginamit sa kanila ng PNP ay galing sa U.S.

TAGS: Asean, gabriela, lrad, sonic device, Asean, gabriela, lrad, sonic device

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.