Tropa ng PNP na nagbantay sa ASEAN Summit binisita ni Bato

Photo: Angellic Jordan

Nagsagawa ng inspeksyon si Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga nakakalat na pulis sa Maynila para sa seguridad ng 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.

Kinumusta ni Dela Rosa ang mga naka-deploy na pulis sa bahagi ng EDSA corner Roxas Boulevard sa tapat ng San Juan De Dios Hospital at Heritage Hotel, EDSA Rotonda Taft Avenue, Buendia-Taft Avenue, at Quirino-Taft Avenue.

Paalala ni Dela Rosa sa mga pulis, manatiling handa sa mga posible pang ikasang kilos-protesta.

Binigyang-diin ng PNP Chief ang mahigpit na pagpapatupad ng maximum tolerance laban sa mga ralyista.

Ipagtatanggol rin aniya ng mga pulis ang kanilang sarili kasabay ng ginagawang serbisyo para sa seguridad ng ASEAN Summit.

Samantala, kasamang nag-ikot ni Bato sina National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, Southern Police District Tomas Apolinario, Manila Police District Chief Joel Coronel at iba pang opisyal ng PNP

Read more...