Babaeng pasahero naputulan ng kamay sa MRT

By Den Macaranas, Jong Manlapaz November 14, 2017 - 04:49 PM

Inquirer file photo

Naputulan ng kanang kamay ang isang babaeng pasahero ng MRT 3 makaraan itong maipit sa una at ikalawang bagong ng tren.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Transportation Usec. Cesar Chavez na ang biktima ay kinilalang si Angeline Fernando, 24-anyos at residente sa Pasay City.

Nahilo umano ang biktima at nawalan ng balanse at sakto namang nahulog sa pagitan ng dalawang bagon ng MRT sa Ayala station.

Kabababa lamang ni Fernando sa MRT train pasado alas-dos ng hapon kanina nang makaramdam siya ng pagkahilo.

Kaagad na dinala sa clinic ng MRT Ayala station ang biktima bago isinugod sa Makati Medical Center.

Tiniyak naman ni Chavez na sasagutin ng pamahalaan ang mga gastusin ni Fernando kasabay ang pagtiyak na lahat ng mga pasahero ng MRT at LRT ay covered ng insurance.

TAGS: angeline fernando, Ayala Station, Cesar Chavez, MRT, angeline fernando, Ayala Station, Cesar Chavez, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.