Mga lugar na dinumihan ng mga ralyista nilinis na ng DPWH, MMDA at LGUs
Sa pagtatapos ng ikinasang kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo, nananatili pa rin ang grupong Kadamay sa isang bahagi ng Mendiola sa Maynila.
Ayon sa grupo, hindi sila aalis sa lugar hangga’t hindi napapansin ng gobyerno ang kanilang panawagan na magkaroon ng sariling lupain at tirahan.
Samantala, agad nang sinimulan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang paglilinis sa intersection sa Legarda-Recto sa mga naiwang kalat at basura ng mga raliyista.
Pininturahan ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ang mga poste ng Light Rail Transit o LRT Line 2 matapos itong sulatan ng mga anti-government slogan ng mga raliyista.
Magkatuwang naman ang Metropolitan Manila Development Authority at Department of Public Services ng pamahalaang lokal ng Maynila sa magwawalis ng mga kalat at basura sa naturang lugar.
Nakaantabay ang isang trak ng DPS para sa pagkolekta ng nga makukuhang basura.
Sa ngayon, tuluy-tuloy na at maluwag na ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Mendiola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.