Tiniyak ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na hinahanapan ng solusyon ng kanyang bansa ang problema tungkol sa itinambak na basura ng dito sa Pilipinas.
Matatandang dito sa Pilipinas naitambak ang nasa 2,500 metrikong toneladang basura mula sa Canada, na dalawang taon nang ipinapanawagan na alisin na at ibalik sa naturang bansa.
Naglalaman ang mga basura na ito ng old wires, plastic cups, CDs at mga gamit na adult diapers na inaalmahan ng iba’t ibang enviromental groups.
Sa kanyang press briefing sa International Media Center, sinabi ni Trudeau na ang garbage issue ang isa sa mga napag-usapan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Canadian Prime Minister, gumagawa na sila ng paraan kung papaano maiaalis ang mga basura ng Canada na nasa Pilipinas.
Tiniyak rin ni Trudeau na committed ang Canada na hanapan ng solusyon ang nasabing problema.