Maagang pag-alis sa bansa ng Laos Prime Minister ipinaliwanag ng Malacañang

By Chona Yu November 14, 2017 - 03:17 PM

Inquirer photo

Nagpaliwanag ang Malacañang sa maagang pag-alis ni Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith .

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroong state visitor ang prime minister sa Vientiane.

Dagdag ni Roque, ito ang dahilan kung kaya maagang umalis ng pilipinas si Sisoulith.

Ganap na alas-siyete pa mamayang gabi ang closing ceremony ng 31st Asean Summit summit at pag-hand over ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ASEAN Chairmanship sa Singapore pero hindi na ito nahintay ng Laos Prime Minister.

Matatandaang lumipad na palabas ng Pilipinas si Sisoulith kagabi.

Bukas ay nakatakda nang umalis sa bansa ang karamihan sa mga dumalo sa ginaganap na ASEAN Summit.

TAGS: #ASEAN2017, duterte, laos, Roque, Thongloun Sisoulith, #ASEAN2017, duterte, laos, Roque, Thongloun Sisoulith

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.