Isyu sa human rights at rule of law iniwasan sa ASEAN-EU Summit

AP

Relax at hindi tensiyonado ang naging pagtangap ni Pangulong Rodrigo Duterte kay European Council President Donald Tusk kaugnay sa ASEAN-EU 40th Commemorative Summit.

Sa kanyang welcome remarks, sinabi ng pangulo na malaki ang naitulong ng ASEAN-EU partnership lalo na sa larangan ng pagnenegosyo sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Sa kanyang panig ay sinabi banan ni Tusk na magpapatuloy ang magandang ugnayan sa pagitan ng EU at ASEAN lalo na sa paglaban sa terorismo at pagpapatatag ng negosyo at investments.

Magugunitang naging mainit ang mga pagbatikos ng pangulo sa EU sa mga nakalipas na panahon dahil sa isyu ng war on drugs.

Nauna na ring sinabi ni Duterte na hindi na tatanggap ng anumang tulong mula sa European Union ang bansa dahil sa pakiki-alam nila sa ilang mga polisiya ng pamahalaan.

Hindi naman naging espisipiko si Tusk sa ilan sa kanyang mga pahayag pero bahagya pa rin niyang tinalakay ang posisyon ng EU sa isyu ng human rights at rule of law.

Natapos ang nasabing pulong na hindi nagbigay ang pangulo ng anumang punto partikular na sa usapin sa karapatang pantao.

Read more...