Korea hinimok ni Pangulong Duterte na magnegosyo sa Pilipinas

By Chona Yu November 14, 2017 - 12:46 PM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang South Korea na magnegosyo sa Pilipinas.

Sa bilateral meeting kagabi nina Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-in, sinabi nito na magandang lugar ang Pilipinas sa negosyo sa larangan ng manufacturing, automotive, food production, processing, agribusiness, electronics at energy.

Sa naturang pagpupulong, nangako ang dalawang lider na paiigtingin pa ang relasyon ng Pilipinas at South Korea maging sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations.

Sinamantala na rin ng pangulo ang naturang pagpupulong para pasalamatan ang South Korea dahil sa pagtanggap ng mga produkto ng Pilipinas.

Base sa talaan ng South Korea, umaabot sa 1.5 milyong Koreano ang bumibisita sa Pilipinas.

Samantala, inimbatahan naman ni Moon ang mga Filipino na manood sa Pyeongchang Winter Olympic games sa Pebrero sa susunod na taon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asean summit, bilateral meeting, Rodrigo Duterte, south korea, Asean summit, bilateral meeting, Rodrigo Duterte, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.