Bagong high blood pressure guidelines inilibas sa Amerika; BP na 130/80 maituturing nang mataas
Nagpalabas ng bagong guidelines at depinisyon ng high blood pressure ang American Heart Association.
Sa bagong guidelines, kapag umabot sa 130/80 mm Hg ang blood pressure ay maituturing na itong mataas, at hindi na ang naunang limit na 140/90.
Ang update sa comprehensive US guidelines ay kasunog ng pagsang-ayon ng mga eksperto na ang high blood pressure ay maari nang maransan sa mas mababang numero.
Nilinaw naman sa pag-aaral na ang diagnosis sa bagong limit ng high blood pressure ay hindi naman mangangahulugan na kailangan agad mag-gamot ng makapagtatala ng nasabing BP.
Kung umabot ng 130/80 ang BP ay kinakailangan lamang na pababain ito sa pamamagitan ng non-drug approaches.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng healthy lifestyle gaya ng pagpapababa ng timbang, pag-eehersisyo, pagkain ng masustansyang pagkain, pag-iwas sa alak at maaalat na pagkain, pagtigil sa paninigarilyo at pag-iwas sa stress.
Dahil sa inilabas na bagong standard para sa high blood pressure, lumilitaw na halos kalahati o 46 percent ng populasyon sa Amerika ay maitituring na nakararanas ng mataas na presyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.