WATCH: Mga batang bakwit sa Lanao Del Norte, biktima ng pambu-bully sa klase

Kuha ni Erwin Aguilon

Doble-dobleng kalungkutan ang dinaranas ngayon ng mga bakwit sa Brgy. West Poblacion, Balo-i, Lanao del Norte.

Ayon kay Abubakr Andi, bukod sa nawalan na sila ng tirahan at hanapbuhay hindi na rin nakakapag-aral ang marami sa kanilang mga anak.

Nahihiya aniya ang mga bata na tinatawag ang mga itong bakwit kaya ninais huminto sa pag-aaral.

Minsan aniya napapaaway pa ang kanilang mga anak.

Malungkot si Andi sa nangyari dahil edukasyon lang anya ang kanilang maipapamana sa kanilang mga anak.

Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:

 

 

 

 

 

Read more...