Chile niyanig ng malakas na magnitude 8.3 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2015 - 07:56 AM

Chile quake
Mula sa Twitter

Niyanig ng magnitude 8.3 na lindol ang bahagi ng Illapel sa Chile.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), unang naitala ang magnitude 7.9 sa coast ng Illapel, Chile pero kalaunan ay itinaas sa 8.3 ang magnitude ng lindol

May lalim na 33 kilometers o 20 miles ang naganap na lindol alas 7:54 ng gabi sa Chile, alas 6:54 naman ng umaga oras dito sa Pilipinas.

Nagdulot umano ng malakas na pag-uga ng mga gusali at ang mga tao ay agad naglabasan sa lansangan dahil sa malakas na lindol.

Dahil sa malakas na lindol, agad na nagpalabas ng tsunami watch ang Pacific Tsunami Warning Center sa State of Hawaii.

chile tsunamiSa ipinalabas na tsunami watch posibleng tumama ang tsunami sa Hawaii dose oras makalipas ang pagpapalabas ng warning, o mamayang gabi oras dito sa Pilipinas .

Matapos ang malakas na pagyanig nakapagtala na ng dalawang magkasunod na malakas na aftershocks na nasa magnitude 6.2 at 6.4.

TAGS: Magnitude 8.3 quake hits Chile, Magnitude 8.3 quake hits Chile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.