Headquarters ng Caloocan City police, nasunog

By Justinne Punsalang November 14, 2017 - 08:19 AM

Radyo Inquirer Photo

Tinupok ng apoy ang headquarters ng Caloocan City Police District at nadamay dina ng kalapit nitong residential area.

Ayon sa Bureau of Fire Protection mismong sa himpilan ng Caloocan City police nagsimula ang apoy at faulty electrical wiring ang tinitignang dahilan ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy ay natupok ang ilang bahagi ng police station, kabilang ang administration office, supply room, investigation and operations unit, SOCO, maging ang kwarto na nagsisilbing press office para sa CAMANAVA area.

Pasado alas 6:00 na ng umagang ideklarang fire out ang naturang sunog.

Ayon kay Caloocan Chief of Police Senior Superintendent Jemar Modequillo, walang nasaktan sa sunog at kaagad nilang nadala sa ligtas na lugar ang 90 lalaki at 12 babaeng inmates, kabilang ang isang buntis.

Dagdag pa ni Modequillo, posibleng may mga dokumentong naabo dahil sa sunog

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang danyos na idinulot ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bureau of fire, fire hits caloocan police station, fire incident, bureau of fire, fire hits caloocan police station, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.