Klase sa Baguio City sinuspinde ngayon at bukas; matinding traffic naranasan dahil sa dagsa ng mga turista

By Dona Dominguez-Cargullo November 14, 2017 - 07:41 AM

Kuha ni Mariel Cruz

Dahil mahaba-haba ang idineklarang non-working holiday sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga bunsod ng ASEAN Summit, dumagsa ang mga turista sa Baguio City.

Kahapon araw ng Lunes, November 13, matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang naranasan sa mga lansangan sa lungsod.

At dahil hindi naman kasama sa deklarasyon ng holiday ang Baguio City, naperwisyo ang mga estudyanteng papasok sa mga paaralan at mga empleyado na papasok sa trabaho.

Dahil sa naranasang perwisyo noong Lunes, nagpasya si Baguio City Mayor Mauricio Domogan na suspindihin ang klase ngayong araw sa lungsod mula pre-school hanggang high school.

Mananatili ang class suspension hanggang bukas, araw ng Miyerkules.

Una nang nagreklamo ang mga residente at motorista sa Baguio City dahil sa grabeng traffic na dinanas nila noong Lunes.

Ang mga driver ng taxi, halos walang kinita dahil wala namang sumasakay na sa kanila dahil wala nang galawan ang mga sasakyan sa kalsada.

Ayon sa datos ng Traffic Management Branch ng Baguio City Police, umabot sa 60 percent ang nadagdag sa dami ng sasakyan sa lungsod mula weekend.

Ito ay dahil sa mahaba umanong holiday sa Metro Manila na idineklara ng pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: baguio city, class suspension, Holiday, tourists, walang pasok, baguio city, class suspension, Holiday, tourists, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.