Lalaking pinagmumura ang mga pulis, arestado sa Quezon City

By Justinne Punsalang November 14, 2017 - 07:10 AM

Kalaboso ang isang lalaki matapos nitong pagmumurahin ang mga pulis at barangay tanod sa Barangay Bagong Silangan sa lungsod Quezon.

Kinilala ang suspek na si Arnold Cuysona, 25 taong gulang na isang technician at residente sa lugar.

Ayon sa mga otoridad, rumesponde sila matapos nilang makatanggap ng report mula sa barangay na mayroong nanggugulong lalaki sa lugar na nakilala lamang sa alyas na JV.

Pagdating nila ay wala na doon ang lalaki, kaya naman dumeretso sila sa bahay nito.

Pero bago pa sila makarating ay hinarang sila ni Cuysona at tinanong kung ano ang pakay nila sa lugar na humantong pa sa pagmumura nito sa mga pulis at barangay tanod.

Dito na inaresto ng mga pulis si Cuysona na mahaharap sa magkapatong na kasong unjust vixation at obstruction of justice.

Samantala, dahil sa pagharang at pagkakaaresto ni Cuysona ay hindi na napuntahan pa ng mga pulis ang una nilang pakay na si alyas JV.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bagong Silangan, metro news, police, quezon city, Radyo Inquirer, Bagong Silangan, metro news, police, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.