Dayuhan, arestado sa NAIA sa tangkang pagpuslit ng P8.89M na halaga ng cocaine
Tinatayang nasa pitumput siyam na rubber pellets o ₱8.89 milyong piso ang kabuuang street value ng cocaine na nasabat mula sa isang Colombian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ang suspek na si Alberto Pedraza Quijano, 67 taong gulang.
Ayon kay PDEA NCR Director Ismael Fajardo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa US Homeland Security na darating sa Pilipinas si Quijano galing Brazil via Dubai.
Depensa ni Quijano, nagawa lamang niyang maging drug mule dahil sa pangangailangan nito ng pera.
Samantala, napag-alaman ng mga otoridad na ilang beses nang pabalik-balik sa bansa si Quijano.
Patuloy ang imbestigasyon ng PDEA para malaman kung sino ang mga kasabwat sa bansa ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.